Ang Sariling Atin…
Saturday, August 20th, 2005Sabado, Ika-20 ng Agosto, 2005, 9:57n.g., Oras sa Pilipinas
Kaisa ng buong Pilipinas sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, gagamitin ko ang pambansang wika ng Pilipinas sa pagtala ng aking mga saloobin, opinyon, at karanasan dito sa aking blag!
Marahil ay napapansin ninyo na palagi kong ginagamit ang wikang Ingles sa tuwing ako ay sumusulat dito sa aking blag… Siguro ay iniisip niyo na wala na akong pagmamahal sa ating sariling wika… Ngunit, hindi ito totoo… Mahal ko pa rin ang wikang Filipino… Sa katunayan, ito ang ginagamit ko sa pakikipag-usap sa ibang tao… Ito rin ang wikang ginagamit sa aming tahanan… Napagpasiyahan ko lang na gamitin ang wikang Ingles sa pagsulat ng aking blag upang mahasa ko ang aking abilidad sa paggamit ng wikang ito… Sa araw na ito, wikang Filipino ang aking ginamit upang maging bahagi ako sa pagdiriwang at pagpapahalaga sa ating sariling wika… Totoo ngang napakasalimuot na ng ating wika (ayon sa pagaaral namin ng asignaturang Filipino)… Ngunit sa tulong ng bawat isa sa atin, maaari pang lumiwanag ang dumidilim na kapalaran ng ating pambansang wika…
Ngayon, ibabahagi ko na sa inyo ang mga nangyari sa akin ngayong araw… Sabado, ito ang paborito naming araw… Kahit itanong niyo kina Kathleen, Ginpao, Lester, TJ, at iba pa naming kaklase, ito ang pinakahihintay naming araw sa buong linggo… hehehe… Nagsimula ang aking araw sa paaralan sa asignaturang Network Analysis… Kami ay sinanay ng aming dalubguro sa paksang Thevinin’s at Norton’s Theorems sa pamamagitan ng pagpapasagot sa amin ng mga tanong sa libro… Madali ang mga tanong na ito, at dahil sa pagtutulungan namin ng aking katabi na si Xave, nasagutan namin lahat ng mga tanong… Matapos ay kumain kami at nagkuwentuhan nila Jhen, Ginpao, Xave, at GARSYA (Dianne)… Pinag-usapan din namin ang aming proyekto sa Network Analysis… Bukod doon, napagusapan din namin ang tungkol kay Rico Tan… hehehe… Kinikilig ka ba Jhen?? At kami rin ay nandiri dahil sa nakita naming ipis sa aming kinakainan… Kadiri talaga sa McDonalds sa Intramuros… Ngunit kahit na may ganitong insidente, napipilitan kaming kumain doon dahil sa iyon lang ang pinakamalapit na kainan na may airkon!!! Matapos kumain, nagtungo kami sa aming silid-aralan sa Mechanics at pinagusapan namin ang tungkol sa Centroids… Naintindihan ko naman ang paksa (bihira lang iyon mangyari dahil sa napakagulo mag-turo ng aming dalubguro)… Natapos ito ng ganap na 12:00 ng tanghali, at dito na nagsimula ang aming pinakapaboritong oras sa buong linggo… Network Analysis Laboratory na… Ang aming pinuno kanina ay si Jackie at lubhang napakadali ng eksperimento… Walang pinagkaiba sa mga nakaraang eksperimento, kami nanaman ang unang natapos, kami nanaman ang pinakamagaling, at ang ika-4 na grupo (grupo nila Ginpao at Kathleen at nung kinaiinisan nila) ang pinakamaingay… hehehe… Hindi naman kami masyadong nataranta at nagkagulo ngayong araw… Matapos ng impyernong aming naramdaman, nagtungo kami sa McDonalds (uli) para magpahinga at kumain at magkuwentuhan… Kasama ko sila Kathleen, Ginpao, Eli, Lester, Alvin, Braymon at Feddie… Inasar ng inasar ni Ginpao si Kathleen ng M.V. hehehe… Ngunit kailangan ng maghanda ni Ginpao dahil sa Lunes ay si Kathleen naman ang mang-aasar ng A.Z. hehehe… Marami ring tinuro si Eli sa amin na mga bagay-bagay na tanging matatalino lang tulad namin (ako at lahat ng nabanggit sa taas) ang nakakaunawa… Nagkaroon talaga kami ng isang napakaganda at napakasayang oras na magkakasama! Umuwi kami ng sabay-sabay, baon ang mga ngiti na dulot ng oras na aming pinagsamahan… hehehe… Sa Lunes na uli kami magkikita-kita, at sigurado ako na isang masayang linggo nanaman ang aming pagsasamahan!
Para sa aking Lyndon’s Picks: Abangan ninyo ang Pinoy Big Brother… Mukhang magiging isang napakagandang palabas ito… Mapapanuod ang Pinoy Big Brother Updates sa ABSCBN tuwing bago mag Home Boy, pagkatapos ng Wowowee, at bago mag Meteor Garden… Mapapanuod ang Pinoy Big Brother sa ABSCBN pagkatapos ng Kamapanerang Kuba, at ang Pinoy Big Brother Up Late matapos ang ABSCBN News Shows… Ang Pinoy Big Brother Eviction Night pagkatapos ng TV Patrol World Sabado… At sa Studio 23 araw-araw bago mag Wazzup Wazzup para sa mga Never Seen Footages… Manuod lang sa ABSCBN at Studio 23 para sa mga pagbabago…
PAALALA: Malapit na ang ika-8 sison ng CHARMED! Mayroon ng pinalabas na mga eksklusibong larawan para sa ika-8 sison!!!
Nararapat nga na mahalin, at irespeto natin ang ating sariling wika… Kahit na gasgas na ang kasabihang ito, dapat pa rin natin itong alalahanin at isabuhay… "Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay daig pa ang isang malansang isda!"… Mahalin ang sariling atin… Mahaling ang wikang Filipino…
Hanggang dito na lang… Hanggang sa susunod nating pagsasama… Maraming salamat at magandang gabi!
MABUHAY!
~AnG wEbMaStEr - LoVeRbOy - LyNdOn JaSoN